Adhikain Daw..
On that same day, while we were sending notes and discussing about things of the past, we were also discussing political thoughts which started when I broke out the news about President Gloria Macapagal Arroyo's State of the Nation Address (SONA) this Monday,.. The following conversations occurred:
M: ... gusto ko na magfriday..hehe
S: gusto ko na magbakasyon.. inggit ako kay derf kasi wala silang pasok sa monday, SONA kasi,. tapos may sembreak pa sila.. huhuhuhuhu.. kainis.. bakit tayo, walang ganyan?..
M: punta tayo congress
S: kelan?..
M: sa sona...syempre
S: hindi nga pwede, kasi may pasok tayo..
M: pwede....bakit hind tayo pwedeng makibahagi...mamamyan din naman tayo ng ating bansang tinubuan...ito ang tahanan ng ating lahi...tayo ay kanyang kinukupkop at tinutulungan upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang...bilang ganti...ay diringgin ko ang sona ni pangulong arroyo upang malaman ang mga bagong proyekto nang sa gayon ay maging mabuting mamamayan ako sa isip sa salita at sa gawa...
S: maganda sana ang iyong adhikain.. subalit, minsan, lalo na sa mundong ating ginagalawan kung saan ang mga tao ay unti-unti nang nabubulag sa mga masasalimuot na nangyayari sa kapaligiran, unti-unti na ring nawawala ang pagmamahal sa sariling bayan.. tingnan mo tayo, naturingang isang kompanya na nagbibigya ng serbisyo publiko sa mga mamamayan ng Maynila, pero hindi naman tayo maaaring makadalo sa ganung mga pagtitipon dahil lamang maraming mga bagay pang iniatang sa atin.. Kahit man lamang isang araw na maipahayag natin ang ating pagmamahal sa ating bayan sa pagdinig sa SONA ng ating pangulo, hindi natin magawa dahil sa mga proyektong ito.. Ganito ba ang sinasabing paglilingkod sa mamamayang Pilipino???!!!
M: ngunit ano pang halaga kung tayo ay tunay namang nagigng mangmang sa mga bagay-bagay ukol sa adhikain ng ating mga pinuno....at lalo namang anong halaga kung tayo ay mamamalgi sa silid na ito? Maaaring ang ating mga katawan ay naririto subalit ang atin namang mga isipan at gawa ay nakikibahagi sa mga walang kabuluhang bagay....tulad na lamang ng ginagawa natin sa mga sandaling ito. Ako ay lubos na sumasang-ayon na mayroon tayong mas mahahalaga pang bagay na kailangang harapin bilang bahagi ng butihing institusyong ito...Datapwa't sa ganang akin kung wala rin lamang kabulastugan ang ating gagawin...mas mainam na nmakibahagi sa labas...
S: Maging ang mga katulad nating nakulong sa isang ganitong uri ng sistema ay nararapat lamang na bigyan din ng kalayaang makibahagi sa mga nagaganap sa labas ng apat na sulok ng silid na ito.. Tunay ang iyong mga tinuran.. Sapagkat tayo man, ay nagmamahal din sa ating Inang Bayan. Hindi lamang naman ang silid na ito ang ating lalakbayin, at hindi lamang naman tayo dito mananatili hanggang sa tayo ay tuluyan nang malagot.. Kung kaya naman, malugod kong inaayunan ang iyong mga tinuringang pananalita na tayo ay patuloy na makibahagi pa rin sa ating mga kapuwa Pilipino na patuloy na umasa na sa lalo't madali ay patuloy nang maibangon ang bayang ito sa lugmok na kaniyang dinadaanan. Tila baga ito'y isang panggising sa ating mga nagpapawis at nagpapagod na patuloy na magsumikap sa ating mga gawain, hindi lamang upang patuloy na paunlarin ang ating sariling mga kapakanan, nang sa ganun, tayo rin ay maging bahagi sa mga layunin ng ating pamahalaang patuloy na maayos at mapabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino..
M: ako ay tunay na nagagalak at kata ay lubos na nagkakaunawaan sa ganang ito gayundin dahil sa ang ating mga hangarin sa inang bayan ay napakainam....Kung sana lamang ganito ang lahat, disin sana'y ang inang bayan ay isa na ngang bansa ng pagkakapatiran at pag-uunawaan.....na patuloy na lumilipad tungo sa kaunlaran at kaginhawaan. Kung gayon...wala nang mga nagsisiphayo at nagpapagal...lahat ay mabibiyayaan nang nararapat sa kanya. Subalit nakakalungkot isipin na hindi ganito ang inihahain sa atin ng katotohanan. Tunay na nakakalungkot. Mataman kong isipin ang solusyon sa malaon nang suliraning ito....alam ko na ako ay nagsasayang lamang ng panahon at lakas. Ang batang katawan na ito ay hindi ko maaaring aksayahin sa mga bagay na alam kong hindi basta-basta nasosolusyunan dahil matagal nang naka-ugat sa ating sistema. Hangad ko man na anyayahan ang lahat na pagmalasakitan ang bayan....mas mainam na lamang siguro na maging piping modelo.
S: Di nga ba't malaon na ring nahayag ang ganyang damdamin ngunit magpahanggang ngayon, tila patuloy pa rin namang pipi at bulag ang nakararami sa reyalidad na patuloy na kumukulong sa bayang ito. Marahil, mainam din ang pananahimik, at hindi pagkibo.. Ako man, nakakaramdam ng pagkaligalig sa tuwinang ako'y may masisilayang isang abang nilalang na nahahapo na sa pagtanim datap'wat ang aanihi'y hindi naman sapat. Ano mang aking naisin na sila'y mabigyang kalayaang mamuhay ng maginhawa, sa katayuan ko ngayon, nakikinita kong hindi rin magiging madali, sapagkat ako man, may mga hinaing din sa tila baga hiindi patas na sistema.. Paano kung gayun? Hindi ko maarok sa kasalukuyan. Bagaman, bukod sa aking katahimikan, marahil, marahil sa darating na panahon, nang ako'y ibayo nang nahasa sa pamamaraan ng buhay, pasasaan ba at malalaman ko rin ang kasagutan; at marahil, matututo ring magbahagi sa mas nakararami..
M: sa iyong palagay....kung ako ay iyong mabibigyan ng mainam na payo....may magagawa ba ako kung ako ay maglilingkod sa bayan sa pamamagitan ni G. T___? Sa aking pagninilay-nilay....naisip ko na sa uri ng gawain mayroon ako sa araw-araw...napakalayo ko upang marinig....at pakinggan. Nguni't kung mabibigyan ng pagkakataon....marahil mas magkakaroon ako ng boses kung ako ay magiging mababang alagad ng isang mambabatas (kahit na sa kaibuturuan ng aking puso alam kong kapwa lang kami manggagamitan -- ako sa kanyang salapi, impluwensya at ang isa'y nalalaman mo na; siya sa aking dunong, talino at kakayahan).
S: Siguro nga, marahil, hindi malayong mangyari. Naniniwala rin naman ako na ano pa man ang kinalalagyan natin sa ngayon ay maaaring magamit upanga tayo ay patuloy na makaambag sa patuloy na ikagaganda ng sinasabi nating sistema. Kung sa iyong palagay, mas lalago ka at mas magagamit ka sa ganoong uri ng pakikibaka, wala na akong ibang hangad kung hindi ay ang iyong patuloy na pag-unlad. Dili nga ba't lahat tayo ay may kani-kaniyang lugar sa mundong ito na kailangang punuan at gampanan upang ito ay patuloy na uminog nang maluwalhati. Gayunman, maaari ring tayo ay nasa isang punto nang ating batang isipan na tayo ay patuloy pa ring naghahanap ng isang bagay na maaari nating masabing pinuhunanan natin. Upang sa ating pagtanda, may maipagmalaki tayong naibahagi natin sa abang bayang ito..
M: Maraming salamat sa iyong payo. Panalangin ko na sana..dalhin ng Bathala ang ating mga paa sa dapat nating kalagyan nang sa gayon ay magampanan natin ang mga tungkulin na malaon namang naiatang sa ating mga pagal na balikat.
Gustuhin ko man na ipagpatuloy ang pakikipagtalastasang ito, ikinalulungkot ko na kailangan na nating itong tapusin. Kaya ng lahat ng bagay sa mundo, ang lahat ay nalalagot....kung ito ay panumandalian lamang......isang araw...ang ating mga pag-iisip ay muling magtatagpo upang punan ang mga isipan nating laging uhaw sa karunungan...Salamat at isang magandang araw.
S: Hanggang sa muli..
0 Footprints: to “ Adhikain Daw.. ”
Post a Comment